A WALK TO REMEMBER

Naaalala ko yung mga panahong ako ay naglalakad pauwi ng bahay galing sa eskwelahan. Highschool ako noon. May bakpak at suot ang unipormeng tahi pa ni mama. Ang sarap maglakad.

Sa gilid ng kalsada’y malawak na parang. Luntian at mayabong na palayan.

Sa pagsulat nito ay tila ba naaamoy ko ang preskong hangin.

Nararamdaman ko ang pagtama ng aking sapatos sa daan. Nagmamadali.

Naaamoy ko ang chips na nabili ko sa nadaanang tindahan. Magkano? Piso lang. Ano? Hot na hot. Ang sarap.

Inaabot ng halos apat na pu’t limang minuto ang paglalakad ko.

Minsan ay kasama ko ang pinsan ko, ngunit mas gusto ko ang mapag-isa. Mas masaya ako pag mag-isa lang akong naglalakad. At kumakain ng mumurahing chips. Walang kahati.

Sa isang punto ay nadadaanan akong parang isang gubat, ngunit hindi naman siya ganap na gubat talaga. Marami lang talagang puno, pero para sa akin, gubat na siya. Okay.

Gustong- gusto kong maglakad doon sa makahoy na lugar na iyon. Tahimik. At parang ako lang ang tanging tao sa mundo. Hindi pa uso ang The Walking Dead noon kaya hindi ako takot  maglakad-lakad sa woods. Sa paglalakad ay may makakasalubong na aso, o di naman kaya’y tao na mukhang mangangaso. Matatakot ka na lang, may dala silang itak. Pero hindi sila mangangaso, sila ay mambubuko. Marami rin kasing puno ng buko roon.

Ayon lang naman ang gusto kong ma-kwento sainyo ngayong araw. Naalala ko lang kasi bigla.

Mahigit sampung taon na ang lumipas mula nang ako ay makapaglakad doon. Gusto kong ma-experience ulit, kaso baka iba na ang daan. Syempre may mga nagbago na rin doon. Baka marami ng bahay doon.

Naaalala pa kaya ako ng mga puno doon? Ng mga halaman? Ng lupa na tinapakan ko?

Malamang hindi, kasi wala silang utak.

Jhonn Robert Javier, 24, is a Filipino writing enthusiast, who grew up believing that the Earth rotates and revolves around the sun.

Advertisements

1 Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s